Biyernes, Agosto 30, 2013


PapeText-petiks na Text

“Parang awa mo na, ‘wag mo akong pasahan ng ganyan. ‘Wag mo na akong idamay pa!”
Chain messages.
Sino ba naman kasi ang nagpauso niyan na tila ginagamit pa ang pangalan ng Makapangyarihan para lang magkalat ng anumalya. Sabi, “ipasa mo sa ganitong tao at mabibiyayaan ka ng ganito kinabukasan”. Tapos maglalagay pa ng supporting letse letse na “Totoo ito. Kung mahal mo si ganito, ipapasa mo ang mensaheng ito blab la bla. Minsan naman may na-rereceive pa akong “Wag mong ipagwalang bahala ang mensaheng ito. Bad things will happen to you”.
Ay naku naman! Ba’t pa kasi pumapatol ‘yung ibang tao sa ganitong estilo. Buti naman sana kung “I love you” galing sa crush ko ‘yung text e ‘di mas masaya pa ako pero kung chain messages ang na-rereceive ko sabay “flood”, hindi ko pa nababasa ‘yung message basta instincts kong ganoon na nga, dini-delete ko na agad.

Wow naman ang panahon ngayon, pasa-pasa lang mabibigyan ka na ng blessings??? Anong klaseng tao sila? Mga may abilidad na makita ang hinaharap?? Haha. Ano ‘to X-Men? Mga Xtraordinaryo? Haler!

Ang text, para sa mga mahahalagang bagay lang at hindi ito ginawa pang-Good time. Parang ganito o, pan-text kay “boyplen” o “gelplen” kung asan siya. “Asn n u? Dito na me!”. Pan-text kay “pader dir” at “mader dir” pandagdag alawans. Pan-text sa barkads kung kelan ulit mag-bibitoys o mag ti-TGIF. Pang-“jiem”. Hehe. Joke.
Ops! Speaking of pang-“jiem”, ‘wag masyadong exaggerated. May mga ibang tao, over ‘yung “signature” sa text. Pagkatapos ng menahe nila, makikita mo sa ibaba ‘yung alias alias nila kunware na may kasama pang numero na ewan mo kung petsa ng “monthsarry” nila o “ideal age”. Parang ganito: “Prince of Tennis 018”, “I’m still in love 14”, “you r my only one”. Haha! Ewan ko nga ba sa kanila.

Ang signature, kung baga sa liham, pangalan mo lang. Hindi ‘yung mag-cocompose ka pa ng Hmp! Ewan ko sa’yo. Trip mo e. Tapos, meron din ‘yung magji-“jiem” na pati pagligo o pagsepilyo niya e ite-text pa. Malala pa roon, magtetext “success” daw. Hu! Pasintabi na lang sa mga kumakain.

Mga text addict talaga. Kung anu-anong naiimbento. Jejemon, harharmon o ano pa mang kamon-monan ‘yan, lilipas din ang mga estilo niyo. Ang napapansin ko, dahil pa-upgrade ng pa-upgrade ang mga modelo ng mga mobile phones ngayon, nahihirapan na silang magtext dahil siguro’y “touchscreen” na ito at hindi maiiwasang mag-“backspace” kung mali ang napindot sa dikit-dikit na “QWERTY” o “NumPad” hindi tulad sa tik-tik-tik na “cellphones” na magandang pang-“jiem”.
In-demand pa rin ngayon ang “papasa-pasa mode” pero hindi sa pormang text kundi kanta o videos sa pamamagitan ng bluetooth. O ayan, diyan pumapasok ang scandal na tila tinatago-tago pa nila sa kaliblibang mga folders na nilalagyan pa ng password. Hahay! Dahil diyan, naaapektuhan ang imoralidad ng taong adik sa mga eto. Nakow!


Maganda man o hindi ang epekto ng mga cellphones, ‘wag natin sanang sisihin ang mga gumawa nito kundi sisihin natin ang ating sarili kung paano natin ito ginamit sa ikabubuti. Hindi ba’t ginawa ito para mas mapabilis ang komunikasyon natin sa mga taong nasa malalayong lugar? Paano na lang kaya kung hindi ito naimbento, subukan mo ngang magpadala ng mga chain messages at magbayad ka sa post office ng halaga nito na titnitimbang pa. Ano, magpapasa ka pa ba? Isipin mo, ilang tao kami dito sa mundo na gusto padalhan ng iyong kinompose ng mensahe. Kung tripings mo ‘yan, sa’yo lang. Wag ka nang mandamay.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento